<body>

Photobucket

I am simplygracey

Sa Munting Bahay Saturday, April 18, 200912:17 AM 1 Comment

Yesterday. I am so happy knowing a very fruitful transformation of who i am when i was a kid and who i am now.



Nanay Roning was telling stories yesterday while we are cooking at their house in Pastor Masilang. And here goes in tagalog version.

Nung mga bata pa kayo bago ko kayo utusan na maghugas ng plato, maglinis dito sa bahay namin ng tatay.. pinapakiramdaman ko pa muna kung ano ang magiging reaksyon ng daddy nyo. Pero salamat naman at ang lagi nyang sinasabi ay "sige po hayaan nyo pong mga matuto sa gawaing bahay."



Sino nga ba kami dati nung bata?! Nung buhay pa ang lola ko..kaming mga magkakapatid kasama ang aming mga pinsan ay may taga alaga..bawat isa.kung kami ay lima..Lima din ang lagi naming kasama. Grace-Ate Weng, Diana-Ate Racquel, Jun2x-Ate Anna, Abegail-Ate Cita, Abekhim-Ate Loida. Hindi pwedeng walang magbabantay samin lalo na pag kasama kami ni lola sa mga handaan o mga meeting nya sa munisipyo o kahit saan pa man. Medyo naspoiled kami na kahit pa ang pagkuha ng tubig ay may nauutusan pa kami. lol. Naalala ko pa na kung paano kami mabusog sa mga materyal na bagay dati. Pinalaki man nila kami na sagana sa lahat..di nila nakalimutan na palakihin kami na malakas ang pananalig sa Diyos at pagmamahal sa pamilya at kaibigan.



Kaya nga sa tuwing mapupunta kami sa bahay naman ng nanay at tatay namin..na kung saan ay wala kaming nauutusan..doon nagsimula ang aming pagiging independent sa loob ng bahay na lahat kami ay pantay pantay lang. Doon sa munting bahay nila Tatay Indo at Nanay Roning una akong nakaranas na maghugas ng plato kasama ang aking mga pinsan. Magwalis ng kalsada, ng bahay, magluto.. na sa huli ay nagamit ko sa bahay ng lola ko. Dito din ay naranasan ko ang unang paliligo sa ulan bilang bata (na nagkasakit ako ng isang linggo.lol). Sa kalsada din ito ako natutong magbisikleta, magkaroon ng sugat..na hindi ko nararanasan sa nakagawian kong buhay.Ngayon ko naiisip na ang buhay ko pala ay naging napakasaya. Maipagmamalaki ko na lahat ng naranasan ko ay humubog talaga sa akin bilang tao. Bata pa ako sa ngayon. Hindi pa lahat nararanasan. Oo, mula pagkabata puro kaginhawahan ang naranasan ko. Pero ngayon? nagsisimula na akong makaranas ng mga bagay na nakakapagpatibay lalo sa samahan naming pamilya at lalong lalo na sa magiging pamilya ko sa susunod na taon. Hindi madali para sa akin ang mga bagong bagay na ito subalit dahil sa mga salita nila..ay nagkakaroon ng direksyon ang buhay ko.



Sila Tatay at Nanay kasama si Lola Mely ay isang napakagandang halimbawa para sa akin. Dahil sa kanila marunong na akong tumanaw sa buhay na hindi lahat ay kayang tumbasan ng kahit anong kayamanan. Ngayon?! Marunong na akong tumayo sa sarili kong paa na hindi kailangang umasa sa tulong ng iba. Dahil dun sa "isang baso ng tubig" namulat ako sa katotohanan na darating ang panahon na dapat kumilos ako na hindi aasa sa ibang tao. Oo at sa ngayon ay ayos pa din ang buhay na aking tinatahak. Nakakaranas pa din ako ng kaginhawahan. Ngunit mas naging matatag lang ako na harapin ang mga bagay na maaaring dumating.



Ako si Grace. Siguro hindi lahat kilala kung sino ako. Pero sa bawat yugto ng aking buhay. May saya at lungkot na akong naranasan. Ngunit ngayon palang nagsisimula ang buhay ko. Ngayon pa lang ako hahakbang. At masaya ako na harapin lahat ng ibibigay sa aking ng pagkakataon.








From the eyes of an Angel


This blog is about
everything and anything
about my life and people around me.

Iam GRACE.
My name came from a princess.
But i know that i am not.
I do enjoy simple life.
I love to travel the world.
I am a sensitive person.
But someone who can get along well.
I am so loving the pressures.
I do at sometimes focus my mind to what i've been wanting for so long.
I am Gracey. A career woman. A daughter. A sister. A wife to a loving husband Lucky.

Know Me With This Fact

I AM BORN TO LIVE LIFE.

Photobucket Things can never be perfect.
But at least i am trying to make it right.



Memories

Photobucket